Military plane ng Myanmar na may lulang 120 sundalo nawawala

 

Patuloy na pinaghahanap ng pinagsamang air at sea forces ng Myanmar ang isang military plane na iniulat na nawawala sa Andaman Sea.

Ayon sa civil aviation officials ng Myanmar, hindi pa rin natatagpuan ang Y-8 200F transport plane na may lulan na 120 mga sundalo na umalis sa bayan ng Myeik Miyerkules ng hapon.

Nakatakda sana itong lumapag sa lungsod ng Yangon na pinakalamaking syudad ng Myanmar nang bigla itong mawalan ng contact sa air traffic control.

Huli itong nakita ng radar sa taas na 18,000 feet sa iababw ng Andaman Sea sa kanlurang bahagi ng bayan ng Dawei.

Kabilang sa sakay ng eroplano ang 106 na sundalo at 14 na crew bukod pa sa higit dalawang tonelada ng supplies nang mawala.

Read more...