Ayon sa presidente nila na si Kingson Siam, nananatiling suspendido ang kanilang operasyon bilang pagluluksa sa pagkasawi ng 38 katao sa pag-atake doon noong isang linggo.
Sa ngayon kasi aniya ay may nagpapatuloy pa na imbestigasyon kaya hindi pa nila malaman kung kailan nila maaring ipagpatuloy ang operasyon.
Tiniyak naman ni Siam na makikipagtulungan sila sa mga otoridad kaugnay ng imbestigasyon.
Samantala kaugnay ng mga empleyado, sinabi ni Siam na tatanggap pa rin ng sweldo ang mga ito kahit na suspendido ang kanilang operasyon.
MOST READ
LATEST STORIES