Trillanes at Aquino pumalag sa pagkakadawit sa kanila sa Marawi siege

Inquirer photo

Malisyoso umano ang ginawang pagdadawit ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre kay Sen. Antonio Trillanes sa nagaganap na Marawi siege.

Ayon pa kay Trillanes, mismong si Defense Sec. Delfin Lorenzana ang nagsabi na wala siyang anumang kinalaman sa sigalot sa Marawi City.

Paglilinaw pa ng senador, hindi rin umano totoo ang alegasyon na nakipagmeeting siya sa Marawi City noong May 2 dahil sa katunayan hindi umano siya nagagawi ng Marawi City sa nakalipas na tatlong taon.

Giit pa ng senador, para matiyak ni Sec Aguirre ay pwede umano nito na silipin ang records sa Senado noong May 2 para makita mismo nito kung ano ang totoo.

Payo ng senador sa kalihim, dapat umanong iwasan ni Aguirre ang pagpatol sa mga impormasyon na nakukuha o naipopost sa social media partikular sa fb para hindi ito sumasablay.

Samantala, tinawag naman ni Sen. Bam Aquino na pamumulitika ang pagdawit sa kanya sa Marawi siege.

Giit ng senador, dapat ay bineberipika muna ni Aguirre ang mga petsa, at saka naghanap ng ebidensya at humingi ng opisyal na pahayag mula sa mga ahensya ng gobyerno para makasigurado sa impormasyon.

Idinawit ni Aguirre sa umanoy sabwatan kaya nagkaroon ng  Marawi siege sina Sen. Trillanes, Sen. Aquino, Magdalo Rep. Gary Alejano at dating Political Adviser ni dating Pangulong Noynoy Aquino na si Ronald Llamas.

Read more...