Pagdurog sa Maute group tuloy, education plan sa mga anak ng sundalo tiniyak ng pangulo

Inquirer file photo

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaya niyang tapusin ang gulo sa Marawi City sa loob ng 24-oras kundi lamang dahil sa mga batas na dapat sundin ng mga sundalo ng pamahalaan.

Sa kanyang pagsasalita sa harap ng mga sundalo ng 1st Mechanized Infantry Brigade sa Tacurong City, sinabi ng pangulo na madudurog ang mga terorista sa kamay ng mga sundalo.

Muli rin niyang nilinaw na tapos na ang panahon para sa negosasyon sa mga miyembro ng Maute terror group at tuloy na ang pagdurog sa nasabing grupo.

Sinabi rin ni Duterte na nag-alok ng 2,000 mga tauhan si Moro National Liberation Front founding Chairman Nur Misuari para tumulong sa pakikidigma sa teroristang grupo.

Sinabon rin ng pangulo ang mag lokal na opisyal ng Marawi City kung bakit nila hinayaang makapasok sa lungsod ang nasabing grupo.

Ibinida rin ng pangulo na mayroon na siyang pondo na umaabot sa P20 Billion na kanyang ilalaan para sa edukasyon ng mga kawal ng pamahalaan.

Gagamitin lang ang nasabing pondo para sa pag-aaral ng mga bata ayon pa sa pangulo.

Sa itatayo umano niyang foundation ay labas pa sa mga benepisyo sa pamahalaan na tinatanggap ng mga sundalo.

Read more...