Nakikipag ugnayan na ngayon ang Philippine National Police Maritime Group sa Land Transportation Office kaugnay sa kanilang pagbabantay sa ilang mga sasakyan na umano’y may dalang mga pampasabog..
Ayon kay PNP Maritime Group Director Chief Supt. Marcelo Morales, ito ay para maberipika ang pitong sasakyan na naglalaman umano ng improvised explosive device (IED).
Kabilang sa mga sinusuri ngayon ng pnp maritime group ang kulay itim na Toyota Hilux na may plakang to 4823; kulay putting Nissan Sentra na minamaneho umano ng isang Mohammad Romato na may plakang UER 452; kulay itim na Toyota Land Cruiser na may plakang VIM 889; kulay itim na Honda Civic na may plakang KDY 462; kulay gray na Toyota Vios na may plakang ZBM 340; kulay itim na Isuzu DMax na may plakang PIJ 139 at kulay itim na Toyota Innova na may plakang ZDT 395.
Matatandaang inamin ni Morales na authentic ang memo at galing ito kay Senior Police Officer 4 Allan Pestañas ang hepe ng PNP Maritime Group sa Dapitan City Port Area subalit patuloy pang beniberipika ang pitong sasakyan.
Ayon kay morales, wala nang balak ang PNP Maritime Group na bawiin pa ang memo dahil nag-leak na ito sa social media.