Sinabi ni BPI Senior Vice President Catherine Santamaria na maliit lamang na bahagi ng kanilang buong sistema at accounts ang apektado ng nasabing error.
Inamin din ng nasabing BPI official na nagkaroon ng additional debits at credits ang ilan sa mga online transactions na ginawa sa pagitan ng April 27 hanggang noong May 2 at nagkaroon ng double posting ang mga ito kahapon June 6.
Tiniyak naman ni Santamaria na walang epekto ito sa kabuuan ng mga perang nasa iba’t ibang mga accounts ng BPI.
Dagdag pa ni Santamaria, “Hindi po nawala ang pera ninyo … wala po ang mawawalan ng pera. Paper lang po ‘yun, wala pong nakakuha ng perang ‘yun”.
Nilinaw rin ng BPI na iniimbestigahan na nila ang buong pangyayari at mananatiling bukas ang lahat ng kanilang bangko para paglingkuran ang kanilang mga kliyente.