Lalaki, patay sa pamamaril sa Caloocan

Kuha ni Jan Escosio

Pinagbabaril ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa 3rd Avenue sakop ng barangay 120 sa lungsod ng Caloocan.

Nangyari ang krimen Miyerkules (June 7) ng umaga.

Nang siyasatin ng mga pulis ang bangkay ay nadiskubre na may kipkip pa itong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nagtamo ng ilang tama ng bala sa ulo ang biktima.

Base sa CCTV footage mula sa Barangay hall, matapos pagbabarilin ay binitbit pa ang biktima ng ilang lalaki bago ibinagsak ang kanyang katawan sa kalsada.

Walang nakakakilala sa biktima sa lugar at tikom din ang bibig ng mga residente hinggil sa insidente.

 

 

 

Read more...