Pilipinas, ikalawa sa mga bansa sa Asya na hindi mapayapa, ayon sa 2017 Global Peace Index

KUHA NI JONG MANLAPAZ

Napabilang ang Pilipinas sa mga least peaceful countries batay sa Global Peace Index 2017.

Sa nasabing datos, pang 138 ang Pilipinas sa 163 na mga bansa sa buong mundo.

Nakasaad din sa pag-aaral na ang overall score ng Pilipinas kung ang pag-uusapan ay ‘kapayapaan’ ay maituturing na ‘deteriorated’ mula nang manungkulan sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinukoy pa sa report ang madugong laban ng pamahalaan kontra ilegal na droga at krimen na nagpalala sa Societal Safety and Security indicators ng Pilipinas.

Sa buong Asia-Pacific, ikalawa sa pinakamababa ang Pilipinas sa peace ranking kasunod ng North Korea.

Binanggit din ang pagtaas ng homicide rate, bilang ng mga nasasawi dahil sa internal conflict, extrajudicial killings sa mga hinihinalang kriminal, drug mules at users.

Sa buong Asia-Pacific, ikalawa sa pinakamababa ang Pilipinas sa peace ranking kasunod ng North Korea.

Ang New Zealand naman ang itinanghal na most peaceful sa rehiyon at ikalawa sa buong mundo.

Kabilang ang Pilipinas at ang mga bansang Libya, Israel at Ethiopia na bumaba ang ranking sa peace index.

 

 

 

Read more...