Publiko, pinag-iingat ng FDA sa mga hindi rehistradong condoms

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko kaugnay ng paggamit sa mga condoms na hindi rehistrado o kaya ay may expired na certificates of product registration (CPRs).

Sa advisory ng FDA, dahil hindi sumailalim sa kanilang evalutation process ang mga hindi rehistradong condoms, hindi nila magagarantiya ang pagiging mabisa at ligtas nito.

Ayon sa World Health Organization (WHO), maaring gamitin ang condoms bilang contraceptives, o kaya naman ay pang-iwas sa pagkalat ng human immunodeficiency virus (HIV) at iba pang sexually transmitted infections.

Base sa kanilang postmarketing surveillance, nakumpirma nilang ang mga PlaySafe Condom Easy Pack Long Love + Ribbed, Condom Extrasafe, at Feel Condom Vibra ay hindi rehistrado at walang CPR.

Napag-alaman rin nilang expired na ang CPRs ngPlaySafe Condom Fix-Tex 002, PlaySafe Condom Fix-Tex Long Shock at Feel Condom 4.

Dahil dito, inabisuhan ng FDA ang publiko na huwag nang bilhin ang mga naturang condoms dahil sa paglabag nito sa Food and Drug Administration Act of 2009.

Pinaalalahanan rin nila ang mga establisyimento at mga tindahan na huwag nang ibenta ang mga nasabing condoms.

Read more...