Bagong reclamation project sa Manila Bay, pinayagan na ni Estrada

 

Aprubado na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang panibagong reclamation project sa Manila Bay.

Sa ilalim ng naturang proyekto, isang 419-ektaryang commercial hub ang itatayo na bubuuin ng tatlong bagong isla.

Pumasok sa isang joint venture ang Manila City Hall sa real estate developer na J-Bros Construction Corp. para sa Horizontal Manila reclamation project na magkakahalaga ng tinatayang P100 bilyon.

Lumagda na rin sina Estrada at Philippine Reclamation Authority chair board Alberto Agra ng memorandum of understanding (MOU) kasama ang general manager ng J-Bros na si Janilo Rubiato at president Engr. Jesusito Legaspi Jr.

Tulad ng mga una na niyang inabrubahang reclamation projects, naniniwala si Estrada na malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya ng Maynila.

Nilinaw naman ng alkalde na walang babayaran ang lungsod para sa construction ng JVA.

Inaasahang sisimulan ang konstruksyon at paghuhukay sa huling bahagi ng taong ito, o unang bahagi ng 2018.

Read more...