Provincial Director ng Lanao Del Sur, tinanggal na sa puwesto

 

Sinibak na sa puwesto si Senior Supt. Oscar Nantes bilang provincial director ng Lanao del sur.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac ang regional director ng pnp sa Autnomous Region in Muslim Mindanao, pansamantalang papalit sa puwesto ni Nantes si Supt. Restituto Lacano.

Hold-over capacity lang umano si Lacano dahil hindi pa ito kwalipikadong mag-provincial director.

Ayon kay Sindac, inilipat na si Nantes sa region 12.
Ayon kay Sindac, noon pang Biyernes inilabas ang kautusan ng PNP general headquarters

Gayunman, hindi naging categorical ang sagot ni Sindac kung failure of intelligence ang naging sanhi ng pagkakasibak ni Nantes kung kaya naganap ang insidente sa Marawi.

Read more...