Kuwait, namamagitan na sa krisis sa pagitan ng Qatar at pitong bansa

 

Pumapagitna na ang bansang Kuwait para maiwasan ang krisis sa Persian Gulf ngayong pinutol na ng pitong bansa ang ugnayan nito sa bansang Qatar.

Ayon sa Kuwait News Agency, nakipag-ugnayan na si Sheikh Sabah Al-Ahmad Al Sabah sa Emir ng Qatar at hinimok itong pagbigyan ang pagsusulong ng dayalogo upang mapababa ang tensyon sa rehiyon.

Ang pag-uusap ng dalawa ay matapos na dumating sa Kuwait ang isang senior official ng Saudi Arabia na naghatid ng mensahe mula sa hari ng Saudi.

Isa namang diplomat mula Oman ang dumating sa Qatar nitong Martes.

Sa kasalukuyan, nananatili ang tensyon sa Persian Gulf matapos na isara ng Saudi ang border nito para sa mga taong nais tumawid mula Qatar.

Maging ang ibang bansa sa Gulf region ay nagpasyang putulin na rin ang ugnayan sa Qatar dahil umano sa pagsuporta ng naturang bansa sa mga extremist groups.

Sa Pilipinas, pansamantalang pinahinto na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang deployment ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Qatar dahil sa sitwasyonsa naturang rehiyon.

Read more...