Lalaki, umatake sa mga pulis bitbit ang martilyo sa Paris

 

Daan-daang turista ang kinailangang ilikas at palayuin mula sa tanyag na Notre Dame Cathedral sa Paris, France.

Ito’y matapos habulin umano ng isang lalaki ang mga pulis ng martilyo.

Pinaputukan ng mga pulis sa Paris ang attacker, dahilan para ito ay masugatan.

Isinailalim pa sa lockdown ang cathedral, ngunit ayon kay police spokeswoman Johanna Primevert, tapos na ang kanilang operasyon sa lugar.

Ayon sa isang pulis, sumugod ang attacker sa mga nagpapatrulya na pulis bitbit ang isang martilyo, at isang kasamahan aniya nila ang nasugatan dahil dito.

Read more...