Ulat sa imbestigasyon sa airstrike na ikinasawi ng 10 sundalo, malapit nang matapos

 

Ngayong linggo inaasahang ilalabas ng binuong board of inquiry ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ulat tungkol sa “friendly fire” na ikinasawi ng 10 sundalo sa Marawi City noong nakaraang linggo.

Ayon kay AFP chief of staff Gen. Eduardo Año, iimbestigahan ng board of inquiry na pinamumunuan ni Maj. Gen. Rafael Valencia ang lahat ng may kaugnayan sa insidente kung saan napatay ng airstrike ng militar ang kanilang mga kapwa sundalo sa ground.

Kasama aniya sa iimbestigahan ang panig ng mga piloto, ground troops at maging ng mga commanders upang malaman kung ano talaga ang nangyari.

Paliwanag ni Año, sa ganitong paraan ay maiiwasan na nila na maulit ang ganitong trahedya.

Read more...