Pero nilinaw ni Philippine Army 1st infantry division spokesman Lt. Col. Jo-ar Herrera na tulong teknikal lamang ang ipinagkakaloob ng US sa paglaban sa teroristang Maute group.
Banggit pa ni Herrera na may mga nauna nang kasunduan kung saan nakasaad ang tulong ng US sa paglaban sa mga teroristang grupo.
Tumanggi naman si Herrera na banggitin ang mga uri ng teknikal na tulong ng Amerika sa krisis sa Marawi City.
Nagpapatuloy ang pagsusumikap ng military na bawiin ang ilan pang mga lugar sa lungsod na hawak pa rin ng teroristang grupo.
Kahapon, lumutang ang video kung saan makikitang pinaplano ng Maute group kasama ang sinasabing ‘emir’ na si Isnilon Hapilon ang pagkubkob sa Marawi City upang maitaguyod ang isang Islamic caliphate.