Ayon kay Government Peace Implementing Panel chair Irene Santiago, malaki ang posibilidad na bubuksan nila ang iba pang peace corridors sa susunod na mga araw.
Pero ipinaliwanag ni Santiago na dapat ay matiyak muna na magiging ligtas ang paglilikas sa mga naapektuhang sibilyan bago magbukas ng panibagong peace corridor.
May ilan aniyang ikinokonsidera sa pagbubukas ng ‘peace corridor’, tulad ng kaligtasan at seguridad ng mga sibilyan.
Noong nakaraang Linggo, ipinatupad ang 4-hour humanitarian ceasefire ng GPH at Moro Islamic Liberation Front sa Marawi City para sa paglilikas sa mga sibilyan.
Ipinatupad ang ceasefire matapos magbigay ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbubukas ng peace corridor sa Marawi City, kasunod ng naging pulong nito kay MILF chair Murad Ibarim sa Malacañang noong isang linggo.
Ayon sa OPAPP, umabot sa 174 na sibilyan ang nailigtas sa Marawi City dahil sa binuksang peace corridor.