Post ni Sara Duterte na may bitbit na baril, agaw-atensyon sa social media

 

IG/indaysaraduterte

Umaani ngayon ng atensyon sa social media ang post ni Davao City mayor Sara Duterte kung saan may bitbit itong isang high powered rifle.

Sa naturang post sa Instagram ni Inday Sara, sinamahan pa niya ito ng caption na nagsasabing handa na ito sa anumang mangyayari.

“Advised to prepare for everything, I’m going down with this baby. Mindanao will never be the same again” bahagi pa ng mensahe ng alkalde at presidential daughter.

 

Advised to prepare for everything, I’m going down with this baby 😍 Mindanao will never be the same again 😔

A post shared by Inday Sara Duterte-Carpio (@indaysaraduterte) on Jun 6, 2017 at 3:49am PDT


Gayunman, nilinaw ng alkalde na bahagi lamang ang larawan ng kanyang ‘photo op’ at hindi ito dapat na seryosohin ng publiko.

Matatandaang nasa ilalim ng martial law ang buong Mindanao matapos ang pagsugod ng Maute terror group sa Marawi City.

Kabilang ang Davao City sa mga lugar na nasa ilalim ng lockdown matapos ang martial law declaration ni Pangulong Duterte.

Read more...