Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, tiyak na kabilang ang Anti-Money Laundering Council sa gagawing pagsisiyasat.
Nang matanong naman kung mali-lift ba ang Bank Secrecy Law, tumanggi si Abella na magkomento rito at sa halip ay hintayin na lamang ang proseso ng imbestigasyon.
Samantala, sinabi ni Abella na hindi pa nila matukoy kung ano ang posibleng implikasyon ng pagkakadiskubre sa multi-milyong pera at mga tseke.
Pero batay aniya sa impormasyon, nakuha ang mga salapi na nagkakahalaga ng P52.2 million mula 2014 hanggang 2016.
Subali’t hindi masabi ni Abella kung saan galing ang mga pera.
Ituturn-over naman ang mga pera at tseke sa headquarters of the Task Force Marawi for safekeeping.
Kaugnay nito, dinipensahan ni Abella ang ilang mga sundalong inaakusahang sangkot ng ‘looting.’
Ani Abella, sa pagkakasamsam ng mga pera at tseke ay malinaw na nagpapakita na ginagawa ng tropa ng gobyerno ang kanilang trabaho nang may dangal at integridad.