Security officials ng mga hotels at casino sa Metro Manila pinulong ng PNP

Inquirer photo

Pinulong ng Philippine National Police Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang may isandaang security managers ng mga hotel, casino, malls at resorts sa Metro Manila.

Sa isinagawang coordinating conference sa national headquarters ng PNP sa Camp Crame, sinabi ni PNP SOSIA Director, Chief Supt. Jose Mario Espino na ang hakbang na ito ay base na rin sa utos ni PNP Chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa matapos ang nangyaring gulo sa Resorts World Manila na ikinasawi ng 38 katao.

Ipapaliwanag o ipapaalala sa mga security managers na ito ang mga procedures sa paglalatag ng seguridad sa kanilang mga areas of responsibilty at isasalang rin sa review rin ang mga ito kasama ang mga tauhan ng pnp sosia kung nasusunod pa rin nila ang mga tamang procedures sa pagbibigay ng seguridad.

Posible ring talakayin sa coordinating conference ang initial investigation sa naging kapaganapan sa Resorts World Manila at dito nila titingnan kung may dapat baguhin sa mga ipinatutupad na seguridad.

Nilinaw naman ni Espino na tanging administrative sanctions lamang ang maaring kaharapin ng security provider ng Resorts World Manila dahil ibang unit na aniya ng PNP ang tutok sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa security agency na NC Lanting Security Specialist.

Read more...