5 katao kabilang ang 3 bata sugatan sa pagsabog sa Zamboanga City

Julie Alipala
Julie Alipala/Inquirer Mindanao

Sugatan ang hindi bababa sa limang katao kabilang tatlong bata sa naganap na pagsabog sa Barangay Ayala, Zamboanga City kaninang umaga.

Ayon kay Sr. Insp. Karib Abud Muharram, hepe ng Ayala Police Station, naganap ang pagsabog alas 6:45, Miyerkules ng umaga (Agosto 26.)

Ang mga batang nasabugan ay pawang papasok sa eskwelahan nang maganap ang insidente.

Sinabi ni Muharram na ginagamot na ngayon sa ospital ang mga bata at ang iba pang sugatan.

Inaalam na rin ng mga otoridad kung anong uri ng pampasabog ang ginamit bagaman sa inisyal na imbestigasyon ay granada umano ang sumabog.

Patuloy din ang isinasagawang imbestigasyon para malaman kung sino ang mga suspek sa pagpapasabog./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...