Rotational brownout ipatutupad sa Zamboanga del Sur

editedMagpapatupad ng dalawa hanggang tatlong oras na rotational brownout araw-araw sa Zamboanga Del Sur.

Ito ay dahil sa manipis na suplay ng kuryente mula sa Zamboanga del Sur Electric Coop. Inc. One o Zamsureco.

Sa ngayon nasa 25 megawatts na lamang ang suplay ng kuryente mula sa Zamsureco One na mas mababa kumpara sa 30 megawatts nitong nagdaang mga araw.

Posibleng maranasan ang rotational brownout sa loob ng ilang mga araw hangga’t hindi naibabalik sa normal ang power supply.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ngayong araw, August 26, ay 1,433MW lamang ang available na capacity ng kuryente sa buong Mindanao, habang mayroong 1,397MW na inaasahang system peak.

Nangangahulugan ito na 36MW lamang ang reserba ng kuryente ngayong araw sa Mindanao./ Dona Dominguez-Cargullo

Read more...