Sa isang panayam, sinabi ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II na pag-aaralan ng NBI na isama ang aniya’y pagkalat maling balita na ipinagbabawal sa Presidential Decree No. 90.
Ang naturang batas ay ipinatupad simula noong panahon ng Martial Law noong 1973.
Matatandaang noong Biyernes, kumalat sa social media ang mga alegasyong pakana ng teroristang grupong ISIS ang naturang pag-atake.
Ipinahayag din ng SITE Intelligence Group na ang operatiba umano ng ISIS sa Pilipinas ang may kagagawan sa insidente.
Gayunman, tinukoy ng Philippine National Police (PNP) na isang Jessie Carlos ang salarin sa pag-atake sa naturang casino hotel. Kinilala itong dating empleyado ng Department of Finance na nalulong sa pagsusugal at nabaon sa utang.