LRT-1, magpapatupad ng mas mahabang oras ng biyahe

INQUIRER FILE PHOTO

Magpapatupad ng mas mahabang oras ng operasyon ang LRT-1 na may biyaheng Roosevelt – Baclaran at pabalik.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), mula sa kasalukuyang alas 5:00 ng umaga ay gagawin nang 4:30 ng umaga ang unang biyahe ng tren ng LRT-1 mula Baclaran.

Ang huling biyahe naman sa northbound o mula Baclaran patungong Roosevelt ay magiging alas 10:00 na ng gabi, habang alas 10:15 ng gabi ang last trip o huling biyahe ng tren galing sa Roosevelt.

Maliban dito, itataas din ang speed limit ng tren mula sa kasalukuyang 40 kph ay gagawing 60 kph.

Ang pagbabago sa oras ng biyahe at bilis ng tren ay inaasahang makababawas sa waiting time ng mga pasahero.

Dahil din sa bagong schedule, mula sa dating 512 na daily trips ng LRT-1 ay tataas ito sa 554 na biyahe ng mga tren araw-araw.

 

Read more...