SSS may help desks sa mga punerarya na pinagdalhan ng mga biktima sa Resorts World incident

Kuha ni Jay Dones

Naglagay ng help desks ang Social Security System (SSS) sa mga morge kung saan dinala ang bangkay ng mga biktima ng pag-atake sa Resorts World Manila noong Biyernes.

Ito ay sa Veronica Funeral Homes at Rizal Funeral Parlor sa Pasay City.

Nais siguruhin ng SSS na agad na matugunan ang SSS claims ng kamag-anak ng mga biktima.

Nabigyan naman na ng SSS claim forms ang mga sugatan sa naturang pag-atake na nananatili pa rin sa mga ospital.

Nasa 38 katao ang nasawi habang mahigit 50 ang sugatan sa pag-atake ni Jessie Carlos sa naturang casino hotel.

 

Read more...