Iginiit ng mga mambabatas na bukod sa kakulangan sa classrooms lalong lalo na sa high schools ay hindi rin sapat ang pondo para sa maintenance at operations.
Sa datos ng ACT Teachers, sa apat o limang elementary schools sa bansa, pinagkakasya ng mga ito ang mga estudyante sa iisang high school dahilan kaya hindi nakakapag-aral ang mga estudyante o ‘di kaya ay pinipili na lamang na huminto sa pag-aaral.
Hindi rin anila epektibo ang voucher na ibinibigay ng gobyerno sa mga mahihirap na estudyante dahil umabot sa 4.8 milyon ang mga out of school youth at tumaas pa ito ng 11% sa loob ng limang taon.
Noon anilang 2015-2016 umabot 4.2 milyon ang dropout.
Lumalabas din na 91.05% ng mga pumasok ng elementary ay hindi na nag-eenroll ng high school dahil nasa 68.15% lamang ang nag-enroll sa sekondarya noong 2015.
Mataas anila ang dropout rate sa mga lalawigan dahil sa malayo ang paaralan bukod pa sa kulang ang mga silid aralan, mahal na pamasahe at mahabang oras ng biyahe na nakaka-apekto para sa isang mahirap na estudyante.