P0.55-P0.90 halaga ng rollback sa presyo ng langis, epektibo na

 

Matapos ang ilang linggong sunud-sunod na pagtataas ng presyo, magpapatupad naman ngayon ang mga kumpanya ng langis ng rollback sa kanilang mga produkto.

Magkakaltas ng 55 centavos sa kada litro ng gasolina ang UniOil, Jetti, PTT, Total, Petron, Eastern, Phoenix, SeaOil, Shell, at Flying V.

Magbababa naman ng 90 centavos sa bawat litro ng kanilang diesel ang mga naturang kumpanya.

May kaltas din na 90 centavos sa kada litro ng kerosene ang mga kumpanyang Petron, SeaOil, Shell at Flying V.

Sabay-sabay ipatutupad ng mga kumpanya ang mga paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo pagdating ng alas-6:00 ng umaga, maliban sa FlyingV na nauna nang magpatupad kaninang hatinggabi.

Read more...