De Lima sa 100-araw ng pagkakakulong: ‘Daig ko pa ang pinatay’

 

Inquirer file photo

Hindi napigilan na maglabas ng sama ng loob ni Sen Leila de Lima sa kanyang ika-sandaang araw ng pagkakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Aminado si Senador de Lima na mas matindi pa sa pinatay ang kanyang nararamdaman sa loob ng kanyang kulungan.

Giit ng senadora, napakasakit aniyang isipin na sinisikil ng administrasyon ang kanyang kalayaan kasabay ng pagsira sa kanyang dignidad.

Higit aniyang masakit na makulong sa kabila ng alam niyang wala naman talagang katotohanan ang ibinibintang sa kanya at inosente sya sa mga inaakusa ng administrasyong Duterte.

Sa kabila nito, binigyang diin ng senadora na nananatiling buo ang kanyang loob at hindi susuko hangang matapos nya ang itinuturing niyang madilim na yugto ng kanyang buhay at karera.

Read more...