Ayon sa tala ng Phivolcs, naganap ang isang ‘minor phreatic explosion’ ng naturang bulkan dakong alas-10-29 ng gabi.
Tumagal ang pagbuga ng abo ng labindalawang minuto batay sa nakuhang seismic record ng ahensya.
Naramdaman rin ng mga residente sa mga kalapit lugar ang isang ‘explosion type earthquake’ resulta ng pagbuga ng abo ng bulkan.
Dahil sa gabi naganap ang ‘phreatic explosion’, walang datos ang Phivolcs sa taas at lawak ng sakop ng abo na ibinuga ng bulkan Bulusan sa kasalukuyan.
December 2016 nang huling magbuga ng abo ang Bulusan Volcano.
MOST READ
LATEST STORIES