Ayon sa mga pulis, ang gunman ay isang dating employee sa isang tindahan sa estate na natanggal sa trabaho noong Abril.
Matapos pagbabarilin ang mga empleyado, nagpakamatay din ang suspek.
Apat na katao ang agad na nasawi sa pamamaril, habang ang ika-limang empleyado ay nasawi habang dinadala sa ospital.
Hindi pagkakaunawaan sa pinagtatrabahuhan ang tinitingnang ugat ng pamamaril, at sinabi ng mga pulis na wala naman silang nakikitang ugnayan ng suspek sa anumang teroristang grupo.
Kinondena naman ni Florida Governor Rick Scott ang ganitong uri ng karahasan, lalo na’t mag-iisang taon na rin ang nangyaring pamamaril sa isang Orlando nightclub kung saan 49 katao ang nasawi.