Ex-MRT general manager Vitangcol, nakatakda nang litisin

 

Itinakda na ang mga petsa kung kailan haharap sa paglilitis ang sinibak na general manager ng Metro Rail Transit (MRT) na si Al Vitangcol.

Ito’y matapos kanselahin ng Sandiganbayan Third Division ang kanilang pre-trial proceedings tungkol sa maanomalyang maintenance contract sa MRT.

Sa pre-trial kahapon, nalaman ni Presiding Judge Amparo Cabotaje Tang na hindi pa nagsusumite ng joint stipulation facts ang mga partido.

Sumang-ayon rin naman ang magkabilang partido na kanselahin ang pre-trial nang walang prejudice sa pagsusumite ng stipulation of facts.

Binigyan na lamang ng korte ang mga partido hanggang August 18 para magbigay ng kanilang joint stipulation of facts.

Sinabihan ng korte ang prosekusyon na mahigpit na sundin ang mga itinakdang petsa pra sa pagpi-presenta ng mga ebidensya.

Tumagal ito ng Sept. 11 hanggan 14, 18 hanggang 21, 25 hanggang 28 at October 2 hanggang 5, 1:30 ng hapon.

Ayon pa kay Tang, wala na silang tatanggaping anumang dahilan at hindi na rin nila hahayaang makansela pa ang setting nito.

Read more...