Nanawagan si Senador Francis Chiz Escudero sa pamahalaan at sa militar na mas paigtingin ng gobyerno ang intelligence-sharing sa iba’t ibang mga bansa upang malabanan ang mga banta ng terorismo
Ginawa ni Escudero ang pahayag matapos na aminin ng Indonesian Defense Minister na mayroon umanong nasa 1,200 na mga miyembro ng ISIS dito sa bansa kung saan ang ilan dito ay mga Indonesians
Sinabi pa ni Escudero lumalabas na kulang sa pakikipagkoordinasyon ang ating gobyerno sa ibang bansa base na rin sa naging pag-amin ng AFP na bago lamang itong impormasyon na may 1,200 ISIS sa Pilipinas.
Kasabay nito, umapela si Escudero sa mga attache’ at sa mga opisyal ng Department of Foreign Affairs na makipag ugnayan sa mga bansa na may sapat na impormasyon laban sa terorismo para sa pagpapaigting ng seguridad sa bansa at mga kalapit bansa ng Pilipinas.