Ito ang inanunsiyo ng Armed Forces of the Philippines kasabay ng patuloy na isinasagawang pagtugis kay Hapilon.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, nag-alok si Pangulong Duterte ng sampung milyong pisong reward money para sa ikadarakip kay Hapilon na pinaniniwalaang nangunguna sa teroristang Maute group na umatake sa Marawi City.
Si Hapilon ay mayroong outstanding na arrest warrant para sa kasong kidnapping with ransom at serious illegal detention.
Kasabay nito, sinabi din ni Año na welcome sa AFP ang pahayag ni Duterte at umaasa sila na malaki ang maitutulong nito para mapagtagumpayan ang pag-aaresto kay Hapilon at sa Maute brothers.
Sakaling mahuli na aniya si Hapilon, posibleng maging daan na ito para tuluyan nang mabawi ng militar ang Marawi City sa kamay ng mga terorista.
Una nang nagpatong ng 5-milyong dolyar na pabuya sa ulo ni Hapilon ang US Government, at sa kasalukuyan, mayroon din itong pabuya na P7.4 milyon mula naman sa gobyerno ng Pilipinas.