NCRPO: Walang ISIS sa Metro Manila

Inquirer photo

Walang namo-monitor ang pulisya na posibleng presensya ng ISIS sa Metro Manila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Oscar Albayalde na sa kasalukuyan ay wala silang natatanggap na impormasyon kaugnay nito.

Dagdag pa ni Albayalde, dadagdagann ng pulisya ang kanilang intelligence efforts para patuloy na mamonitor ang mga terror groups partikular na yung nakabase sa Mindanao.

Kasunod ito ng naging pahayag ni Indonesian Defense Minister Ryamizar Ryacudu na hindi baba sa 1,200 ISIS fighters kabilang ang nasa 40 na Indonesians ang nasa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, patuloy ang bakbakan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng Maute Terror Group na nauna nang napaulat na kaalyado ng ISIS sa bansa.

Maging ang Malacañang ay nagsabi na wala silang namomonitor na 1,200 na bilang ng ISIS sa bansa tulad ng inihayag ng opisyal ng Indonesia.

Read more...