Maute group gumagamit ng mga high tech gadgets ayon sa AFP

Inquirer file photo

Aminado si Armed Forces of the Western Mindanao Command (WesMinCom) Commander Lt. Gen. Carlito Galvez na malakas ang uri nang teknolohiya na gamit ng mga foreign terrorists na kasamang nakikipagbakbakan ng Maute Terror Group sa Marawi City.

Ang pahayag ni Galvez ay bilang tugon sa mga ulat na nagle-leak ang sensitive information ng tropa ng pamahalaan kung paano didiskartehan ang pagsawata ng gulo sa nasabing lungsod.

Dahil dito sinabi ng opisyal na mahigpit ang kanilang seguridad na pinstriped sa 103rd Brigade para maiwasan ang anumang paglabas ng mga sensitibong impormasyon.

Kasabay nito ang pagtanggi ni Galvez na may sadyang naglalabas ng impormasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para makarating sa kaalaman ng mga kalaban.

Nauna dito ay nakarekober ang mga tauhan ng militar ng ilang mga high tech communication devices sa mga napatay na terorista maliban pa sa mga radio frequency scanners.

Read more...