Sa pulong balitaan sa Malakanyang, kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Restituto Padilla na sa kasalukuyan ay nasa siyam na Maute members na ang sumuko sa mga otoridad, sa kasagsagan ng sitwasyon sa Marawi City.
Sinabi ni Padilla na duda sila na kusang susuko ang karamihan sa mga terorista.
Naniniwala rin ang opisyal na gusto ng Maute na tapusin ang bakbakan sa Marawi City sa hindi magandang paraan.
Pero patuloy aniyang nananawagan ang pamahalaan sa iilan na nais sumuko sa sandatahang lakas.
Sa naturang press conference, ini-report ni Presidential spokesperson Ernesto Abella na mahigit 45 million pesos na ang inilaang pondo para sa ayuda sa mga apektado ng gulo sa Marawi City.
Nasa 1,467 na ang nailigtas na mga sibilyan, habang nasa 20 na sibilyan ang napatay ng mga terorista.
Sa panig ng Maute, 120 na ang napaslang habang sa tropa ng gobyerno, umabot na sa 38 ang nasawi.
Magdadalawang linggo na mula nang atakihin ang Maute group ang Marawi City.