Humarap sa tanggapan ng Philippine National Police Supervisory Office for Security Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang mga security guard nan aka-duty nang maganap ang pag-atake sa Resorts World Manila.
Ayon kay Sr. Supt. Ildebrandi Usana, assistant chief ng PNP-SOSIA, sasailalim sa imbestigasyon ang mga security personnel matapos na malusutan ng gunman na si Jessie Javier Carlos.
Nanindigan naman ang naka-duty na security guard na si Edwin Ciriaca na may dala siyang 9MM na baril.
Ayon kay Ciriaca nagpasya siya na hindi paputukan ang suspek sa pangambang madamay ang mga guest ng Resorts World.
WATCH: Edwin Ciriaco security guard ng Resorts World Manila @dzIQ990 pic.twitter.com/PmJffYKRA9
— chonayuINQ (@chonayu1) June 5, 2017
MOST READ
LATEST STORIES