Nagwagi ang Golden State Warriors kontra Cleaveland Cavaliers sa game 2 ng NBA finals.
Nakapagtala si Kevin Durant ng 33 points at 13 rebounds habang si Stephen Curry ay mayroong 32 points at 10 rebounds.
Tinalo ng Warriors ang Cavs sa score na 132-113.
Itinuturing ng Warriors na inspirasyon ang pagbabalik ng kanilang coach na si Steve Kerr matapos ang mahabang bakasyon dahil sa back surgery.
Sa panig ng Cavaliers, nagtala si Lebron James ng 29 points at 11 rebounds.
MOST READ
LATEST STORIES