Maraming mag-aaral, lumiban sa unang araw ng klase sa isang paaralan sa Lanao Del Norte

Kuha ni Ricky Brozas

Kakaunti lamang ang mga estudyanteng pumasok ngayong araw sa Nangca Elementary School sa bayan ng Balo-1, Lanao Del Norte.

Ayon kay Ginang Lunang Abbas, principal ng paaralan, dahil unang araw ng klase, nasa 50% ng lang ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa eskwelahan ang dumating.

Sa kabila nito, tuloy ang klase ngayong araw sa naturang paaralan.

Sa isang silid-aralan, lilimang estudyante ang pumasok, pero itinuloy ng guro ang pag-orient sa mga mag-aaral.

Sa panuntunan ng DepEd, para sa mga mag-aaral sa grade 1, kinakailangang matiyak na sila ay nakatapos muna ng kindergarten bago tanggapin sa unang baitang.

 


 

Read more...