Pagbabalik-eskwela ng mahigit 27 milyong estudyante, naging maayos ayon sa DepEd

Inquirer Photo | Marianne Bermudez

Bagaman naranasan pa rin ang ilang mga problema, naging maayos sa pangkalahatan ang pagbubukas ng klase ngayong araw.

Inquirer Photo | Niño Jesus Orbeta

Sa President Corazon C. Aquino High School sa Baseco Compound sa Maynila, pinangunahan ni Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones ang pagbubukas ng klase.

Kasama ni Briones sa pag-welcome sa mga estudyante si Manila Mayor Joseph Estrada.

Sa Araullo High School sa UN Avenue, naging matiwasay din ang pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral.

Kuha ni Jan Escosio

Patuloy ang pagtanggap ng paaralan sa mga late enrollee, transferees at drop-outs sa unang araw ng pasukan.

Maaga pa lamang, pila-pila na ang mga estudyante kasama ang kanilang mga magulang bitbit ang kinakailangang requirements.

Samantala, sa pagbubukas ng klase ngayong araw pinatitiyak ni 1-Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr. sa mga school administrators at mga magulang na ligtas at legal ang operasyon ng mga sasakyan ng kanilang mga estudyante at anak.

Hindi aniya dapat pinapayagan na sumakay sa mga kulorum na tricycle, jeep o mga van patungo at galing sa school ang mga estudyante.

Iginiit ng mambabatas na dapat ay may nakahandang records ang mga paaralan ng lahat ng drivers at assistant na naghahatid at sumusundo sa mga mag-aaral.

Bukod dito, dapat din aniyang dumaan at pumasa ang mga ito sa masusing background at security check.

 

 

Read more...