Biyahe ng MRT, nagka-aberya

Maagang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT), matapos magka-aberya ang isa nitong tren.

Ayon sa tweet ng Department of Transportation (DOTr), nakaranas ng aberya ang isang tren ng MRT habang bumibiyahe sa southbound pasado alas sais ng umaga.

Dahil dito, pinababa ang mga pasahero sa southbound ng Kamuning station, sandaling naantala ang biyahe ng MRT.

Ang mga naapektuhang pasahero ay pinasakay na lang sa kasunod na tren.

Kahapon ng umaga, nakaranas din ng aberya ang MRT sa bahagi ng Kamuning station northbound.

 

Read more...