Pag-atake sa London bridge, inako ng ISIS

Inako ng Islamic State ang pag-atake sa London bridge na ikinasawi ng pitong katao.

Ayon sa SITE Intelligence Group, miyembro ng IS ang mga responsible sa van at knife attack sa London.

Ito na ang ikatlong pag-atake sa Britain na inako ng ISIS ngayong taon.

Bunsod ng nasabing pag-atake, isang vigil ang isasagawa ngayong araw (Lunes, June 5) alas 6:00 ng gabi oras sa London.

Nanawagan si Mayor Sadiq Khan sa publiko na dumalo sa vigil na idaraos sa Potters Fields Park na isang open space palibot ng City Hall.

 

Read more...