Ayon kay Duterte tinraydor ni Nobleza ang bansa sa ginawa nitong pakikipagrelasyon sa ASG member kaya dapat siyang maparusahan ng kamatayan.
Sinabi ng pangulo na dapat mabitay si Nobleza at “public hanging” ang nararapat na kaharapin nito.
“She’s really the lady that is a traitor to her country. Dapat bitayin ka at public hanging. I will not hesitate to do it,” ayon kay Duterte.
Magugunitang si Nobleza ay nahuli sa Bohol habang kasama nito si Renierlo Dongon na bomb-maker ng ASG.
Sinibak na sa serbisyo si Nobleza at nahaharap sa mga kaso kabilang na ang obstruction of justice, illegal possession of firearms at disobedience to persons in authority.