Tinupok ng apoy ang apat na silid ng Ready Reserve Office sa Arescom Headquarters ng Philippine Army sa loob ng Fort Bonifacio sa Taguig City.
Ayon kay Fire Chief Inspector Severino Sevilla, hepe ng BFP-Taguig Operations, nagsimula ang apoy sa opisina ng 301st Ready Reserve Battalion bandang alas onse ng gabi, at agad kumalat sa mga katabing kwarto.
Matapos ang 30 minuto, agad ring naapula ang apoy na umabot sa ikalawang alarma.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng BFP upang malaman ang naging sanhi ng sunog.
Inaalama pa rin ang halaga ng pinsala, pero sinasabing may mga mahahalagang dokumento na nadamaya sa pagkalat ng apoy.
Matatandanang nasunog rin noong 2014 ang bahagi ng Ready Reserve Office nang madamay sa sunog sa explosives and ordnance division office sa loob din ng military camp dahil naman umano sa electrical problem.
WATCH: Bahagi ng Ready Reserve Office sa Arescom Headquarters ng Philippine Army, nasunog | @CyrilleCupino pic.twitter.com/2e9ashUgiv
— RadyoInquirer990AM (@dzIQ990) June 4, 2017