Ipina-recall sa Estados Unidos ang ilang mga imported na frozen tuna cubes at steaks mula sa Pilipinas at Vietnam.
Ito’y matapos ipahayag sa US Food and Drug Administration ng Hilo Fish Company sa Hawaii na kontaminado ng hepatitis A virus ang mga isdang nakuha nila mula sa Sustainable Seafood Company sa Vietnam at Santa Cruz Seafood Inc. sa Pilipinas.
Ilang produkto na ang nai-distribute sa mg tindahan at restaurants sa California, Texas at Oklahoma.
Sa ngayon ay wala pa namang naitatala ang US FDA na may nagkasakit dahil sa mga nasabing isda.
Kabilang sa mga ipina-recall ng Hilo Fish Company ay ang mga 8-ounce steaks at tuna cubs na nasa 15-pound cases.
MOST READ
LATEST STORIES