Nagsimula ang pananalakay ng tatlong suspek nang araruhin ng mga ito gamit ang isang van ang hanay ng mga pedestrian sa London bridge.
Matapos nito, bumaba ang mga suspek at nanghalihaw ng saksak sa iba pang mga pedestrian at mga kliyente ng mga bar at restaurant sa kalapit na Borough market.
Agad namang rumesponde ang mga otoridad at napatay ang tatlong salarin.
Bukod sa pitong nasawi, nasa 48 pa ang nasaktan sa insidente.
Sa kasalukuyan, nasa 12 katao na ang inaresto ng London police na may kaugnayan umano sa pinakahuling terror attack sa London.
MOST READ
LATEST STORIES