27.7 milyong estudyante, balik-eskwela na

 

Inquirer file photo

Tinatayang aabot sa 27.7 milyong mga estudyante sa kindergarten, elementarya at high school ang magbabalik-eskwela simula ngayong araw.

Ngayong araw ang opisyal na pagbabalik eskwela ng mga estudyante sa lahat ng pampublikong paaralan maliban sa Marawi City na apektado ng bakbakan sa pagitan ng Maute terror group at mga sundalo at walong distrito pa sa Lanao Del Sur.

Ang klase sa naturang mga lugar ay sisimulan sa June 19.

Sa kanilang statement, inamin ng Department of Education na tulad ng mga nakalipas na mga taon, karaniwang maraming mga sitwasyon at suliranin na lumulutang sa tuwing unang araw ng pasukan tulad ng kakapusan ng classrooms, kakulangan ng gruo at iba pa.

Ang mga ito anila ay kanilang agarang tutugunan, ayon sa Kagawaran.

Nanawagan rin ang DepEd sa mga sangkot sa mga kaguluhan na iwasang gawing ‘war zone’ ang mga paaralan dahil ang mga ito ay mga ‘zones of peace’ na nakalaan para sa pagpapalaganap ng kaalaman sa mga kabataan.

Read more...