Bumalik si Pacquiao sa General Santos City, na kanyang hometown, para ipagpatuloy ang pag-eensayo sa nalalapit na laban na magaganap sa Brisbane, Australia.
Pero bago pa man lumipad patungong GenSan, sumabak muna si Pacquaio sa ilang sparring rounds kasama ang magkaibang partner sa Maynila.
Ayon sa report ng PhilBoxing, isa sa naka-sparring ni Pacquiao ay ang Australiano na si George Kambosos Jr., na una nang dumating sa Manila noong gabi ng Biyernes.
Sinabi naman ng chief adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz na napili nilang sparring partner si Kambosos dahil kasing lakas nito si Horn.
Batay din sa report, umabot ng tatlong rounds ang sparring session nina Pacquiao at Kambosos.
Bukod kay Kambosos, naka-sparring din ni Pacquiao ang Filipino boxer na si Leonardo Doronio na tumagal ng dalawang rounds, at Mexican boxer na si Adrian Young na umabot naman ng apat na rounds.