Pope Francis, nag-alay ng dasal sa mga biktima ng London attack

 

Nag-alay si Pope Francis ng dasal para sa mga biktima ng mga pag-atake sa London, kasabay ng tradisyunal na misa kahapon na naghudyat ng Pentecost holiday.

Ipinanalangin ni Pope Francis na bigyan ng Espiritu Santo ng kapayapaan ang buong mundo, at paghilumin na ang mga sugat ng digmaan at terorismo, tulad ng nangyari sa London.

Humiling rin si Pope Francis sa publiko na ipagdasal ang mga biktima at kanilang mga mahal sa buhay na naapektuhan ng pag-atake sa London Bridge.

Umabot na sa pito ang nasawi sa nasabing pag-atake, habang nasa 50 naman ang naitalang nasugatan.

Labindalawa rin ang naaresto ng mga otoridad kaugnay nito.

Read more...