4 patay sa plane crash sa Japan

Nasawi ang apat katao matapos bumagsak ang isang Cessna aircraft sa bundok na nababalot ng snow sa central Japan.

Ayon sa pulisya, isang single-propeller na eroplano na may sakay na apat na indibiduwal ang bumulusok pababa sa Northern Alps sa Tateyama.

Nakatanggap aniya sila ng emergency call mula sa isa sa apat na biktima nang maganap ang aksidente.

Sinabi naman ng isang opisyal ng Toyama prefectural na dalawa sa mga biktima kabilang na ang piloto, ang unconscious habang ang dalawa pa ay conscious pero na-trap sa eroplano.

Tinatayang nasa edad 21 hanggang 57 ang mga biktimang lalaki.

Pero dahil sa masamang panahon at makapal na fog, nahirapan ang mga rescue team, maging ang rescue helicopter, na mailigtas agad ang apat na biktima.

Ayon pa sa ulat, makalipas ng labing apat na oras, saka lamang natagpuan ng rescue teams ang eroplano sa bundok na may taas na 2,300 meters o 7,545 feet.

Naisugod pa sa ospital ang apat biktima pero idineklarang dead on arrival.

Read more...