Tatlong magkakahiwalay na pag-atake, naganap sa London

Rumeresponde ang pulisya sa London sa tatlong emergency incidents.

Naganap ang pag-atake bandang 10 pm, oras sa London sa mga matataong lugar sa lungsod.

Isa dito ang pag-araro sa London Bridge, ang pananaksak sa Borough Market at isa pang insidente sa Vauxhall.

Ayon sa British Transport Police, merong mga namatay kaugnay ng naturang pag-atake.

Naganap ang unang pag-atake sa London Bridge kung saan inararo ng isang van ang mga pedestrians dito.

Nagsisi-alisan ang mga tao palayo sa naturang landmark sa London na malapit lang sa Borough Market.

Ayon sa mga saksi, may taong nasaksak sa lugar na binibigyan ng CPR matapos saksakin.

Read more...